My Second Self-published Novel: Dederella

So I have a new novel coming up this month and it’s called “Dederella And The Magical Push-up Bra,” a modern-day retelling of the classic fairy tale, Cinderella with a fun twist.

The book is set to be released within the month. Price, specs and other details are to be announced. So, stay tuned for further announcements on my Facebook page: facebook.com/heartyngrid

Meanwhile, below is the teaser and the preview of the novel (note: some scenes for the preview were purposely skipped)

OFFICIAL BOOK TEASER:

Cup AA. Taglay ko ang pinakamasaklap na breast cup size. Flat-chested, in other words. Pader, plywood, at kapatagan para mas hard. Sino ba ang may gustong magkaroon ng maliit na dibdib? Lalo na kung ang lalaking gusto ko ay parang may breast fetishism! Matagal ko nang inaasam si Lex. Kaya lang ay naaakit lang siya sa ga-papayang dibdib ng babae. Kaya kahit na alam niyang may gusto ako sa kanya ay deadma lang ang bruho at parang tropang ka-chest bump lang ang tingin sa akin.

Isang gabi, sa kamamaktol ko sa kapalaran ng maliit kong hinaharap, nakilala ko ang isang matandang nagbigay sa akin ng isang mahiwagang push-up bra na kayang gawing cup D ang cup AA. In time for Lex’s party, I attended it with a pair of big jugs courtesy of the magical brassiere. Sa tulong ng makeup transformation skills ng aking beki friend ay nakapagpanggap ako bilang ibang babae.

Dahil marupok si Lex sa cup D ay nahumaling kaagad siya sa akin. Kaya lang ay kinailangan ko siyang takbuhan dahil ang bilin ng matanda ay mawawalan ng bisa ang magical bra pagkalipas ng hatinggabi. Habang tumatakbo palayo ay unti-unting bumabalik sa tunay na size ang dibdib ko kaya lumuluwang din ang bra hanggang sa mahulog iyon.

Pagkatapos ng gabing iyon ay nabalitaan ko na lang na hinahanap ako ni Lex. Gamit ang naiwan kong bra ay desidido siyang hanapin ang babaeng nakasama nang gabing iyon. Ang hindi puwedeng malaman ni Lex ay ako at walang iba si “Dederella.” Well, as if naman paghihinalaan niya ako kung ga-monggo lang ang dibdib ko kumpara sa misteryosang babaeng hinahanap niya.

READ THE PREVIEW–>

Recommended Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: